This is my first novel under Precious Hearts Romances. May 2, 2012 siya narelease noon. Pero ang post kong ito ay parang pagunita lamang. Baka kasi may mga natitirang kopya pa nito sa mga bookstores at gusto ninyong bumili para matapos ninyong basahin ang kwento kong ito... TEASER: Nakilala ni Caitlyn si Sid sa eroplano nang pauwi na siya sa Maynila galing ng Palawan. Their first meeting was a disaster dahil natapunan niya ito ng tubig. Naging masama ang impression nila sa isa’t isa dahil sa nangyaring iyon. Nagkrus uli ang mga landas nila when she handled the renovation project of their resort in Palawan because Sid was the contractor of the project. Ang masama pa, makakasama niya si Sid sa Palawan sa loob ng tatlong buwan. Hindi niya inakalang magkakamabutihan sila, taliwas sa masamang impresyon nila sa isa’t isa. Until they ended up in bed. At pagkatapos ng namagitan sa kanila ay bigla na lang itong nag-propose ng kasal. Tatanggapin ba niya iyon gayong hindi pa nila lubusang kilala ang isa’t isa?