Ito ang pangatlo kong kwento sa PHR. Naapprove siya September 2012 pero March 2013 na siya narelease. Kung mapapansin ninyo unedited din ito. Actually nareturn ito sa akin at inayos ko kaya makikita ninyo may mga footnote pa. Pero I'm happy to say na ang dalawang gabing pagpupuyat ko para ayusin siya ay nagbunga. Siguro may mga copies pa rin nito sa mga bookstores. Hindi naman ako kasikatan at kagalingan para magkasold out agad :) Ito iyong TEASER na pinasa ko sa editorial noon. Pero hindi ito ang lumabas sa likod ng libro : Labis ang sakit na naramdaman ni Maan Ejada nang makita niyang may kayakap na ibang babae ang boyfriend niyang si Marco Federico. Nakipaghiwalay siya rito agad gamit ang rasong wala na siyang naramdaman nito. Hindi niya sinabi ang nalalaman niya. Gusto niyang mamuhi at magalit ito sa kanya para maging madali sa kanya ang pakikipaghiwalay dito. Lumipat siya sa Maynila at doo’y nag-aral. Naging miserable ang buhay niya dahil sa pagrerebelde niya sa mga kamag-anak niya at dahil pakiramdam niya ang namayapang ina lang ang nagmamahal sa kanya ng tapat. Until one day, pinalayas siya ng lolo niya sa condo unit niya at pinutol lahat ng mga allowances niya dahil sa napuno na ito sa mga kahihiyan at kabulastugang pinaggagawa niya. Dahil sa wala siyang choice ay umuwi siya ng probinsya na parang maamong tupa at doo’y muling nagtagpo ang landas nila ni Marco. Pero bakit sa halip na galit at panunumbat ang gagawin nito sa kanya ay paghahangad na magkabalikan at magkaayos sila ang ginagawa nito?All Rights Reserved