Matagal nang isinara ni Adrian ang kanyang puso sa mga babae dahil sa isang pangyayari sa kanyang nakaraan. Until he met Jamelia. May kung anong espesyal na katangian ito na muling nagpatibok sa kanyang puso kaya madali siyang napalapit rito. Pero kung kailan plano na niyang sabihin dito ang tungkol sa nararamdaman niya ay saka naman dumating ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang puso noon. Paano pa niya maipaparamdam kay Jamelia ang pagmamahal niya rito ngayong naging komplikado na ang lahat.