1889 ✔ (Completed)
  • Reads 60,249
  • Votes 1,902
  • Parts 32
  • Reads 60,249
  • Votes 1,902
  • Parts 32
Complete, First published Jan 15, 2018
Mature
Summary

Si Lara ay isang dalaga na nagmula sa Bataan, sa bansang Pilipinas, taong 2018. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakapag-time-travel siya patungo sa nakaraan sa Pilipinas, taong 1889. Nagawa niya ang paglalakbay sa ibang panahon nang dahil sa Project 1889. Isa itong proyektong kasalukuyang pinag-aaralan ng kaniyang kapatid na si Leandro na bihasa sa mga computer programs. Kasama rin sa pagtulong ang kaniyang nakababatang kapatid na si Lucas na siya namang gumuguhit ng kaniyang mga kailangan sa panahong iyon sa pamamagitan ng XP-Pen Artist 12 Pro na isang drawing tablet.

Sa kaniyang paglalakbay ay nakilala niya ang isang binatang nagngangalang, Sebastian Alonzo. Si Sebastian ay isa sa mga aristokrato ng kanilang bayan. Sa una nilang pagkikita ay hindi kaagad sila nagkasundo. Naging masungit si Sebastian sa kaniya ngunit paglaon ay natutunan siyang mahalin nito  kahit na hindi niya mawari kung saan nga ba nagmula ang dalaga, gayun din naman si Lara para sa binata kung kaya't sila ay naging magkasintahan.

Nang magkasakit si Lara ay nakausap niya ang isang matandang manggagamot. Binigyan siya nito ng babala at binalaang huwag nang babalik sa panahong ito.

Makababalik kaya si Lara sa kaniyang panahon? Paano si Sebastian? Papayag ba siyang maiwan sa taong 1889?

Ano kaya ang mangyayari kay Lara?

Ano kaya ang mangyayari sa pag-iibigan nila ni Sebastian?

Paano nila susuungin ang hamon ng buhay gayong sila ay ipinanganak sa magkaibang panahon?

Ito ay isang kwento tungkol sa pag-ibig, kasaysayan, at paglalakbay sa ibang panahon.

Ginanap sa: Pilipinas, 1889 at 2018



Highest rank achieved:

⋆ #1 in timetravel (February 7, 2021) ⋆

⋆ #1 sa pilipinas (December 4, 2020) ⋆

⋆ #1 in PhilippineHistory (May 31, 2019) ⋆

⋆ #4 in Historical Fiction (May 13, 2018) ⋆

Thank you! Thank you! ❤❤
All Rights Reserved
Sign up to add 1889 ✔ (Completed) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Penultima cover
Tondo Z cover
Esta Vez (This Time) cover
I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books) cover
A Twist In Time (EDITING) cover
2nd Dimension: ENRHIA (My Enchanted World) cover
The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM) cover
Way Back To You cover
Camino de Regreso (Way back 1896) cover
K.A.P.E.S(Adventure/Action/Romance/Gangster/Assassin) cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos