Simple ang buhay ng isang Shiela Meigen Fernandez, kasama ang kanyang mga besties na sina blossom, bubbles, at buttercupcake. Walang araw na di sila masaya. tawanan, bangayan, landian, tsismisan at awayan. Si Xy Basti Mohenro o mas kilala bilang blossom,Ang pinakamatagal na nakasama ni shiela halos 4 years na, kaya kilalang-kilala nila ang isa't-isa at mas lalong takot mawala ang isa't-isa. Pero dumating ang araw na ikinalungkot ng magkakaibigan.dahil may nangyaring aksidente Kay blossom at iyon ang pinakamalungkot na nangyari sa kanila lalo na Kay shiela..4 taong nakalipas ay hindi na nila Muling nakita si basti at ang akala nila ay patay na ito.. posible kayang magkita pa sila ng kanyang kaibigan o para na lamang itong naglaho na parang bula??