Kuwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Ghani Madueño Noong unang panahon, ang mga paniki ang itinuturing na may pinakamgaganda at may makukulay na pakpak. Mahahaba ang kanilang buntot. Bukod sa mga katangiang iyon ay mapupungay rin ang kanilang mga mata. Isang araw, dumalaw ang diyosa na may hatid na masamang balita. Dahil dito, nagsimulang lumitaw ang tunay na mga saloobin ng mga paniki, hudyat ng simula ng pagbabago ng kanilang anyo. Alamin sa makabagong alamat na ito kung bakit sa gabi lamang lumalabas ang mga paniki mula sa kanilang mga lungga, at kung bakit patiwarik sila kung dumapo.