Patay na dapat ako. Hindi ko malilimutan kung paano ako nagpagulung-gulong sa kalsada bago pitpitin nang naghihingalo ng truck na iyon. Wala na sigurong mas sasakit pa sa fact na ginawa muna akong sadwich spread bago mamatay. Alam kong durug-durog ang buto ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit! Pero bigla na lang akong nakakita ng asul na liwanag. Akala ko pintuan na iyon ng langit pero sobrang liit naman. Hindi ko alam kung ano iyon na pilit na nagsumiksik sa bunganga ko. Matapos niyon ay nawalan na ako ng hininga. Patay na ako. Ramdam kong nalagutan ako ng hininga. The next day, i woke up like this!