Salitang ako at ikaw
Naalala ko ng araw-araw
Magkasamang walang bumitaw
Magkasabay nating isinigaw
Oo, Mahal kita, hindi ka umayaw
Panahon na ako'y nanligaw
Ikaw at ako para sa isa't isa
Hinihintay tuwing pauwi kana
Hindi sinayang kasama ka
Walang iniisip na problema
Pinasaya kita, laging pinapatawa
Sabihan man akong mukang tanga
Ikaw at ako pilit kong pinadama
Pero bakit unti unting nag iba
Parang oras sakin ay nawala
Tinanong kita, may bago na ba?
Di ka sumagot umiwas bigla
Pagod lang siguro, kaya't tulala
Ikaw at ako merong pinagtalunan
Hindi nag-imikan, hindi nagpasinan
Di na pag-usapan, kahit nahihirapan
Lumipas ang taon ating hinayaan
Kayhaba na ng pinagsamahan
Simpleng away na walang kasagutan
Ikaw at ako maraming katanungan
Hinanap kita sa iyong mga kaibigan
Nagtanong tanong kung saan-saan
May dala dalang bulaklak sa daan
Ng makita kita sa dating tambayan
May iba na nga, Iba ng kasintahan
Ikaw at ako maraming nagbago
Naging tapat sayo, nagseryoso
Pinagtapo pero nagawang sumuko
Ganun lamang kadali ka lumayo
Upang masayang ang mga pangako
Masakit ngunit kakayanin ko
Maaring ikaw at ako
Na alam kong naging malabo
Tatanggapin nalang siguro
Ang apat na letrang "TAYO"
Kailanman hindi na pwedeng mabuo
Pagsamahin muli ang IKAW at AKO