Akala ko guniguni ko lang. Akala ko hindi sila totoo. Akala ko purong imahinasyon ko lang ang mga nakikita ko. Ang mga naririnig ko. Ang mga nararamdaman ko. Pati na rin ang mga naaamoy ko. Akala ko lang pala ang lahat. Nakakakakilabot na ang paulit ulit. Hindi na nakakatuwa. Hindi na sila matigiltigil pa. Kahit ako'y magdasal sa gabi, andyan pa rin sila. Laging nakabantay.