Si Perse ay mayroong tinataglay na kakaibang kagandahan na nakakaakit ng mga kalalakihan.Marami siyang manliligaw ngunit wala pa siyang napupusuan. Si Edes,ang pinaka-masugid na manliligaw ni Perse.Isang makisig at maginoo si Edes kaya hindi imposibleng naibigan siya ni Perse. Naging lihim ang kanilang relasyon sa kadahilanang ipinagkasundo si Perse kay Theus,ang lalaking patay na patay kay Perse. Ngunit sa kasamaang palad,nalaman ni Ethel(ang ina ni Perse) ang kanilang lihim na relasyon kaya sinubukan nilang ipadakip at ipapatay si Edes.Nalaman ni Perse na ipinapatay si Edes kaya nagalit siya kay Ethel at Eus(ama ni Perse)... Umalis siya sa kanilang tahanan ngunit bago siya umalis,Isang sumpa ang kanyang iniwan; Labis na pagkalungkot nila Ethel nang lisanin ni Perse ang kanilang tahanan.Labis rin ang kanyang pagsisisi. Ipinahanap nila si Perse kahit saan ngunit hindi nila ito natagpuan pa. Nasaan na kaya si Perse?Magbabalik pa kaya siya?Anong kinalaman ng sumpa sa pagkawala ni Perse? Mahanap pa kaya nila si Perse? Alamin.... -Señorita Preene♡