Nabubuhay tayo sa kasalukuyan dahil ito ang ating dapat kalagyan. Gumawa man tayo ng paraan ay hindi natin mababago ang nakaraan. Ngunit nang dahil sa labis na hinanakit at pagdiribdib, aksidenteng napadpad si Marinara sa nakaraan sa pamamagitan ng isang lumang balon. Pagkarating sa nakaraan, natuklasan niya ang hiwaga ng salamangka at mga taong gumagamit nito na kanya mismong mga ninuno. Ang tangi lamang daan pabalik sa hinaharap ay ang labasan na katulad ng balon na pinagmulan niya.. Sa pagkakahanap sa balon, siya ay agad nabihag.. Hindi ng balon kundi sa nagmamay-ari ng lugar kung saan nakatayo ang lagusan pabalik.. [PLAGIARISM IS A CRIME!] Started: November 29, 2019 Finished: April 22, 2020 -Mingzuu