Layò
  • Reads 2,051
  • Votes 58
  • Parts 7
  • Reads 2,051
  • Votes 58
  • Parts 7
Ongoing, First published Jul 14, 2012
"Binuklat niya ang aking kuwaderno at lumuluhang binása ang aking mga tula hábang namamayani ang paglalahong nagaganap sa aming daigdig. Alam na niya ang sakít ng pagkakalayong maidudulot ng katotohanan. Alam na niya kung paano nasusukat ang paghihiwalay ng dalawang táong minsa'y nagsalo sa alaala ng pag-ibig. Alam na niya na ang panukat ng pagitang ito na tagapagdulot ng walang hanggang kalungkutan at makapangyarihang pagwasak sa isang mundong mala-paraiso ay ang tinatawag na pagkakalayò."--Prelude

| Ang Layò ay isang koleksiyon ng mga tula at minsa'y mga maikling kuwento na nagpapatungkol (at iniaalay sa dambana) ng mga nawalang karanasan ng tao dulot ng lumalaking puwang ng pagkakalayo. Panahon, distansiya, nasirang pangako, kamatayan--silang lahat ang itinuturong dahilan ng pag-iral ng kapangyarihan ng Layò sa buhay ng bawat tao. Isang pag-iral na nagdidiin sa iyo na may mga bagay na sadyang itinadhana. [Poetry #65]
All Rights Reserved
Sign up to add Layò to your library and receive updates
or
#1nawala
Content Guidelines