Nagsimula ang lahat sa isang war. Magkaibang paniniwala at may kanya-kanyang pinaglalaban. Ngunit, sadyang mapamaraan ang tadhana. Sa isang iglap, nawala ang lahat ng hinanakit sa isa't-isa, nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila, at ito ay dahil sa pagkamatay ni Ivanka. Sa halip na magpatayan, nagpagkasunduan nilang bumuo ng grupo. Mahirap sa una pero naging maayos sa huli. Naging matalik na magkaibigan, baon nila ang ala-ala ni Ivanka. Isa iyong pangyayaring di makakalimutan kailan man. Sabay nilang tinuklas ang katotohan, katotohanang naging dahilan sa pagkamatay ni Ivanka. Sino si Ivanka? Walang sino man ang nakakaalam, maging sila ay walang kaalam-alam kung sino man si Ivanka, ito ay kanilang tutuklasin, sila ang "THE UNCROWNED KINGS. Gwapo, mayayaman, matatalino, matitikas, maimpluwensya at nagmula sa malalaking pangalan, yan sila kung iyong ilalarawan. Isang tingin lang nila sayo, tiyak na susunod ka na sa kanilang gusto. Walang magkakamaling kumalaban sa kanila. Isang mali mo lang, magsisisi ka. Walang puwang ang pagmamahal, nilukob ito ng poot, sakit at higit sa lahat, KADILIMAN. Lahat tayo ay may iba-ibang paniniwala. Di natin mapipilit ang isang tao na gawin kung ano ang gusto natin maliban nalang kung pinili nilang magbago at gawin iyon para sayo. Ikaw na ba ang makapagbabago sa kanila?