"Wala kang kwentang Anak!! tamad, bobo, lokoloko!!" Isang malakas na sigaw sakin ng aking ama Sinampal niya ako at sinikmuraan tuloy tuloy ang agos ng aking luha. "Tay tama na po nasasaktan ako" pag mamakaawa ko sakanya. "Delfin Tama na!! baka mapatay mo ang anak mo!!" Pag pigil sakanya ni mama Lumapit sakin si tatay at biglang hinablot ang buhok ko galit ang kita ko sakanyang mga mata. "Wala na akong pakielam kung mamatay ka pa!! Madali namang mag libing ng bangkay." Walang bago sa sitwasyong nararanasan ni Zarina Reyes. Pero sa hindi inaasahang pag kakataon papasok sakanyang buhay si Grey Delfier da-dagdag ba ito sa kanyang problema o isang wild Angel na mag bibigay sakanya ng Liwanag?