"Sabi mo, no one was there to guide you, support you, and love you. Nandito pa ako, huwag mo 'kong insultuhin." Lauren was a destiny-addict. Naniniwala siya na hindi man hanapin ang lalaking inilaan para sa kanya, gagawa ng paraan ang tadhana para makita niya ito. Napatunayan naman iyon nang ang mga sunod-sunod na pangyayari sa buhay niya ay parang pinakialaman ng destiny: •Naiwan niya ang favorite book sa taxi. •Sa sinalihang radio program, nakilala niya ang mysterious guy na nagtatago sa alias na "Mr. Destiny." •Ilang beses din niyang nakaengkuwentro ang iisang lalaki na nagpakilalang Tyrone. •Ang shocking revelation-si Mr. Destiny at si Tyrone ay iisang tao lamang. At ang lalaki rin ang nakakuha ng nawawala niyang libro. Para ngang gusto na niyang maniwala na si Tyrone ang lalaking destined para sa kanya. Pero paano niya tatanggapin kung ma-discover niya na everything was a planned destiny?All Rights Reserved