Gusto lang namang makalimutan ni June ang yumaong fiancé ngunit hindi niya kayang gawin, dahil siya na mismo ang gumawa ng bakod sa puso niya upang hindi na magmahal ng iba. Ngunit isang gabi, nawindang na lamang siya dahil sa isang babaeng natagpuan niya sa tapat ng bahay. Unconscious ito at mukhang pinagsamantalahan pa. Namulat ang babae nang walang maalala sa kanyang nakaraan dahil sa amnesia. Napilitang kupkupin ito ni June at pinangalanan niyang "May", nagpakilala muna siyang asawa nito para hindi ito umalis. Sa loob ng isang buwan ay dapat niyang malaman ang identity nito pero habang tumatagal ay nahuhulog na pala sila sa isa't isa. Mapapangatawanan pa kaya ni June ang pangakong ibabalik ang dalaga sa tunay nitong pamilya?