"Through writing I express my true feelings" Minsan mas pinipili na lang natin manahimik sa isang tabi at may hawak na panulat at papel. Isusulat lahat ng mga salitang hindi mo nailalabas gamit ang bibig. Mas pinipili na lamang kimkimin ang totoong nararamdaman at iiyak sa ilalim ng buwan. Mga damdaming hanggang sa papel lamang nailalabas at muling itatago sa nakakandadong baul. Pilit lumalayo at binabakuran ang sarili mula sa ibang tao. Ganito ang ilan sa atin at isa ako rito. Mga nararamdaman, nararanasan, nakasalamuha, nakasanayan, inspirasyon, dahilan, at kasalanan ay mayroon ng makakaalam.All Rights Reserved