"Marami na akong kaibigan" laging sinasabi ni Toyang habang lumalaklak ng beer. "Jowa ang gusto ko jowa!" Ms. Friendship ang bansag kay Toyang, ang beauty and brains mg Global College of the Arts. Maraming gusto maki-friend sa kanya kasi maganda, charming, machika at magaling sa klase. Parang nasa kanya na ang lahat, pero bakit hanggang friends lang ang pakikitungo ng mga guys. Walang umuusad, walang nagte-take ng risk, walang gustong maka-jackpot.