Sabi nila ang tiwala ay parang pambura, na sa tuwing nakakagawa tayo ng kamalian ito ay nababawasan. Hanggang sa lumiit na ito ng lumiit. Hanggang sa mawala na lang. Sa tuwing naalala ko ng kasabihang iyon ay iniisip ko na sana ay ganoon din ang aking mga magulang. Na sana ang tiwala nila ay parang pambura na unti-unting lumiliit sa bawat kamaliang magagawa ko. Mga pagkakamali na sa totoo naman ay hindi ko ginustong mangyari, gawin at maranasan. Isang pagkakamali na naging dahilan para hindi na nila ako bigyan maski kaunting tiwala o tapunan man lamang ng kaunting tingin. Wala ang konsepto ng pangalawang pagkakataon, hinusgahan na nila ako ng tuluyan at binigyan ng kinabukasang walang patutunguhan. Ako si Edward Garcia Isang piyanista and this is the story of my life but not a lovestory.