"Halatang apektado kaming lahat ng mga bali-balita tungkol sa aswang at kulto. May araw pa, hindi pa tumutunog ang orasyon, nagkaayawan na agad. Pati ang dilim, tila nagmamadaling lumatag kasunod ng pagsisindi ng mga garapa. Mabilis ding natatapos ang hapunan, at parang gusto ko nang magmakaawa habang ibinubuka ni inay ang nakarolyong banig sa aming sahig, hudyat ng mahaba at malagim na gabi ng isang gising pa'y kailangang pumikit na, sa takot mamalayang lahat ay tulog na."
Minamahal kong mambabasa...
Ginamit ko sa akdang ito ang sariling mga karanasan, ang karanasan ng ibang tao, ang karanasan ng bayan, at ang karanasang bungang-isip (imaginative) upang malinaw na mailarawan ang isang yugto ng ating kasaysayan. Ang mga detalye gaya ng mga pangalan, lugar at pangyayari ay pawang mga pinaghalong gunita, kathang isip, o panaginip lang, at depende na sa iyo kung hanggang saan mo paniniwalaan.
Manolito C. Sulit
Ibaan, Batangas
Mga dibuho: Immanuel Genesis R. Sulit, Sophio Emmanuel R. Sulit
Neverwoods never die...
"Entertain me, human!"
Evarius Neverwood can play many roles: a deadly joker, a cunning masochist, or a secretive mind-reader...
The problem? He isn't human.
Mula nang mapadpad silang magkakapatid sa Eastwood, tuluyan nang nawalan ng "entertainment" si Evarius sa kanyang imortal na pamumuhay---well, that was until he was forced to make a certain mysterious music student, Marquessa Legazpi, to sign a contract that would bind them until she gets her revenge. With an elite Killing Tournament and fragments of their broken selves keeping them apart, how will Marquessa play a fool's game if she can't even fool her heart anymore?
"Let's face it, I can never outwit the joker's insanity."
----