Pebbles of Mystery

Pebbles of Mystery

  • WpView
    LECTURAS 30,855
  • WpVote
    Votos 136
  • WpPart
    Partes 2
WpMetadataReadConcluida mié, ene 8, 2025
WpInfo
Ficción
Misterio
Umapak siya sa sagradong lugar. Ang kanyang presensya ay mistulang isang munting tulo ng tubig sa tahimik at malinaw na lawa. Ang paggalaw ng tubig sa kanyang pagdating ay isang gambala sa mapayapang lugar. Dumaan ang hangin at pumagaspas ang mga sanga at dahong nakapaligid. Nagambala ang mga aninong nagbabantay sa mga sulok dahil sa pagdating ng hindi imbitadong bisita. Mga bantay ng kagubatan, mga sinaunang nilalang na naninirahan sa lugar, mga tagapangalaga sa matagal ng panahon. Hindi sila mabuti. Hindi sila masama. Ngunit pansin ang panginginig ng hanging nagsasalamin ng kanilang pagkakagalit na maaaring mula sa panghihimasok o maaring may iba pang malalim na kadahilanan. Malakas na misteryosong pwersa ang tumama sa kanya at agad siyang napamulat sa katawan niyang lupa. Isa itong malinaw na babala. Sa biglaang pangyayari, nawalan siya ng sariling balanse habang napatingala na lamang sa mga nagsama-samang nagdidilim na ulap sa kalangitan at nagbibigay kulay-abo sa buong paligid. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa lupa, na kanya ring inaasahang kababagsakan.
Todos los derechos reservados
#809
ghost
WpChevronRight
Únete a la comunidad narrativa más grandeObtén recomendaciones personalizadas de historias, guarda tus favoritas en tu biblioteca, y comenta y vota para hacer crecer tu comunidad.
Illustration

Quizás también te guste

  • AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
  • Angel In Disguise
  • As Cold as the Night (Upper Crust #2)
  • Blackburn Forest Apocalypse
  • Why Did We Meet Again? (Flavors of Love #1)
  • Ang Babae Sa Kawayanan
  • Love Under A Stormy Sky
  • The Evil Prince and Me
  • Timber

Namatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,napunta ang kanyang kaluluwa sa Impyerno, kapiling si Lucifer. Sa kanyang pagiging matatag sa pagharap sa anumang pagsubok at parusa'ng iginawad nito sa kanya ay napili sya’ng maging isang alagad nito, ang maging ANGHEL na tagasunod sa lahat na ipag-uutos sa kanya. Ipinadala sya sa lupa upang maghasik ng kasamaan, dalhin sa kalungkutan ang mga masasayang nilalang at iligaw ng landas ang mga taong tagasunod kay Hesus upang mapunta ang kaluluwa ng mga ito sa Impyerno kapiling ang Hari Ng Kadiliman, sa oras na sila'y mawalan na ng buhay dito sa lupa. Ngunit hindi nya ito sinunod. Ang mga masasama ay hinatid nya sa kabutihan, ang mga naghihiwalay na mag-asawa ay kanyang muling pinagtatagpo sa isa't-isa at muling nagkakabalikan, at ang mga naliligaw ng landas ay muli nyang ibinalik kay Hesus. Lingid sa kanyang kaalaman, may isang nilalang na mula sa kalawakan ang lihim na nagmamasid at natutuwa sa kanyang kabutihang ginawa, na magbibigay sa kanya ng panibagong pag-asa. Paanu uusbong ang pag-iibigan ng dalawang nilalang na nanggagaling sa magkaibang mundo? Hanggang kelan nila kayang ipaglaban ang kanilang pag-ibig? May bukas ba'ng naghihintay para sa dalawang nilalang na wagas na nagmamahalan? TUNGHAYAN ANG PAG-IBIG NG ISANG ANGHEL MULA SA IMPYERNO! ang ANGHEL NI LUCIFER!!! ----------------------------------------------------------------------------------------------- Please vote and leave comments below. Any suggestions are welcome. Hope you enjoy reading. God bless!!!

Más detalles
WpActionLinkPautas de Contenido