Sa isang buhay ng tao ay napakaraming pagsubok ang mararanasan. Ito'y mahahalintulad ko sa isang magandang bulaklak, sa pagdaan ng anumang bagyo ang sumalanta sa kanya mananatiling siya'y matatag. Babangon at tatayog muli't uusbong ang panibagong sanga para sa mas masaganang bulaklak. At sa paglipas ng mga araw unti unting masisilayan ang magandang sinag ng araw na kakambal ang bahagharing sumisilay sa kalangitan. Ang pagsubok ay hindi tinatakasan ikaw mismo sa sarili mo ang maghahanap ng solusyon upang maging maayos ang lahat. At sa paghahanap ng solusyon tsaka darating ang taong mas lalong magpapabago sa buhay mo. Isang pag-ibig na kahit kailan hindi mo pa naranasan. Tunghayan ang istorya ng buhay ni Violet Pierre Andrande, ang babaeng ignorante sa pag-ibig.All Rights Reserved