Hindi sa lahat ng panahon ay laging maaraw at hindi sa lahat ng oras ay nakasikat ang araw, Dumarating at darating ang panahon na ang maliwanag na sikat ng araw ay matatakpan ng Makulimlim na mga ulap at biglang bubuhos ang malakas na ulan kasabay ng mga nakakatakot at nakakagulat na mga kidlat at kulog.. minsan hindi natin ito inaasahan, minsan alam natin na ito'y darating kahit na hindi tayo handa. ngunit sa buhay, naranasan na ba natin masilaw sa malakas na sikat ng araw kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan sa isipan, kasabay ng nakakagulat at nakakatakot na mga kidlat at kulog na pakiramdam? Yung kahit na sa lahat ng paligid at bagay na nakikita natin ay okay lang, maganda, maayos.. pero yung nararamdaman natin, yung nasa isip natin? ayun! sasabog na, nagwawala na, basag na. Minsan, sa pag aayos natin sa mga bagay bagay.. di natin napapansin na tayo naman yung nasisira na.All Rights Reserved
1 part