"Paalam, aking mahal." , sabi niya. Kung hindi lang sana role playing 'to ng Noli Me Tangere, laking tuwa ko na. Hayy... Nakatingin siya nang malalim sa akin. Sobrang lalim, muntik ko nang malimutan na may linya pa pala ako. "Paalam..." Tapos ito na 'yung scene! Kissing scene! Palapit nang palapit yung mukha niya... And then suddenly...Curtains closed. Kami lang ang naiwan sa likuran ng kurtina. Ang iba naming groupmates nasa harapan para magpresent ng key points ng story. Sisilip sana ako nang biglang hinablot niya yung kamay ko. Nagkatitigan kami uli. Nilagay niya yung hintuturo niya sa harap ng bibig niya, para bang senyas na huwag maingay. Tinitigan niya ako uli ng malalim, at unti-unting nilapit ang mukha niya sa mukha ko...parang kanina lang. Parang kanina lang pero... This time, Walang kurtina na tumigil sa kanya.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.