Guys, this is a collection of my poems (mga tula) made during my high school and college years. Sa tuwing nalulungkot ako pupunta ako sa lilim ng mga puno habang dala dala ko ang aking makapal na recycled MAPEH notebook at isang piraso ng ballpen. Minsan ang lahat ng sakit ng aking nararamdaman ay binubuhos kong lahat sa aking tula at mga istorya. Ngunit sa kasamaang palad, dalawa sa aking nobela, ilang maikling kwento at mga tula ay pawang nasira sa nagdaang dalawang magkasunod na bagyo. Ang bagyong Reming at Milenyo na naging dahilan ng pagkagiba ng aming bahay. That was a worst year for us. Marami sa mga taga sa amin ang nawalan ng tirahan at marami din ang namatay dahil sa halos matabunan ang isa sa mga municipalidad. Gayunpama'y ganyan talaga ang buhay at kailangang magpatuloy. Maraming maraming salamat sa magbabasa sa inyo. Ito'y aking labis na ikagagalak dahil kahit papano'y naibahagi ko sa inyo ang aking masterpiece.