Paano ko ba ikukuwento? Paano ko sasabihin na nainlove ako sa litrato mo? Sa litratong napulot ko lang. Sa iyong mukhang di ko naman kilala. Oo, ang labo ngang isipin. Pero dahil sa litrato umasa ako at nagmahal. Dahil sa litratong napulot ko lamang. Yung letrato mong may ngiti sa labi, yung gwapo mong mukha. Napaisip ako kailan kaya kita makikita? Ikaw na kaya yung lalakeng ipinagdadasal ko? Eto na ba yung sign? Dahil lang sa litrato napaibig ako. Gusto na kitang makita sa personal, kaya itong litrato na to. Itatago ko, itatago ko tong litratong napulot ko lang. Ang litratong napulot sa kung saan. Ang litratong naging dahilan kung bakit nabuhay muli yung puso ko. Pero may pag-asa kaya akong makita ka? Yung totoo mong itsura? Yung totoo mong ngiti? Sana...All Rights Reserved