Sakanya ko natutunan ang pagkakaiba ng napapagod sa nagsasawa. May napapagod kasi sawa na sila. May nagsasawa kasi pagod na sila. May pagod nang magsawa. May sawa nang mapagod. Hindi naman ako nagsawa sakanya, eh, samin. Napagod lang ako. Siguro nga. Napagod lang akong magpahinga sa tuwing mapapagod ako dahil sa araw-araw akong umaasa na mamahalin niya din ako. Nagsawa akong mapagod. Mahal na mahal ko siya. Tanggap na tanggap ko siya kahit kalahating tao at kalahating gago siya.
Más detalles