••••• Si Selena, isang Mandirigmang Encantalunia na nakatira sa mahiwagang mundo ng Encantaluna kung saan ang mga kababaihan ang syang naninirahan. Sya ay inatasan ni Reyna Namistica na magtungo sa mundo ng mga tao para hanapin at paslangin ang pinakahuling Humbre, isang lalakeng kabilang sa mga mortal na kaaway ng mga Encantalunia. At sa oras na mapaslang nya ito, ay nangako syang babalik sya agad sa Encantaluna. Pero sa pagyapak nya sa mundo ng mga tao, nakilala nya ang isang binatang nagngangalang Vhien. At dahil sa kabutihang pinapakita sa kanya ng lalakeng ito, nahulog na nga si Selena sa kanya hanggang sa napamahal na sya sa binata. Pero paano na ngayon ang misyon nya? Handa ba nya itong ipagpalit para sa pagmamahal nya sa binata? O kakalimutan nya ang pag- ibig nito para sa kanya para sa tungkulin nya sa Encantaluna? ••••
Karagdagang detalye