Si Finn ay isang Grade 12 student na walang iniisip sa buhay kung hindi pagmo-motor at panunuod ng YouTube videos. Dahil sa mga katangiang ito; idagdag pa ang kaniyang kaguwapuhan; maraming mga estudyante ang nahuhumaling sa kaniya. Sa kabila ng mga atensyon at paghangang tinatamasa sa buhay, hindi pa rin naging gano'n kasaya ang buhay ng binata. Hanggang sa nakilala niya si Eli. Ang babaeng kilala na niya mula pagkabata pero ni-minsan ay hindi pa niya nakausap. O simpleng ang babaeng walang kumakausap. Paano mo nga bang masasabing kilala mo na ang isang tao? Dahil ba kaklase mo siya? Dahil ba kapitbahay? O dahil lagi mo siyang nakikita at alam mo ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa kaniya? Ano ang meron si Eli na makakukuha ng atensyon ni Finn?All Rights Reserved