Isang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimuot ang noo'y masaya at tahimik niyang mundo. Agad siyang namulat sa lahat ng kalupitan, pasakit, kabiguan at pag hihirap. Ngunit siya ay nag patuloy na mag tiis, mag tyaga at mag sumikap para makapag patuloy sa kanyang buhay at mga natitirang pangarap. Ngunit kapalit ng lahat ng ito ay ang kanyang matinding pagbabago. Naging para siyang isang batong gumagalaw; walang pakiramdam, walang kaibigan, walang kinakausap, matigas at malamig sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Tanging sa sarili lamang siya naniniwala at mayroong tiwala Ganoon pa man, sa kaibuturan ng kanyang puso ay namamayani pa rin ang tunay niyang pagkatao. Nag kukubli at nag hihintay na may taong darating upang siya ay iligtas sa mala impyernong dulot ng kanyang nakaraang hindi niya magawang takasan. "Darating siya, maniwala kang darating siya. Ang nag iisang taong itinakdang mahalin ang lahat at bawat parte ng iyong buhay; nakaraan, kasalukuyan at hinaharap."