Almost everything about Clarence is out of the ordinary. Bahagi siya ng forensics team ng NBI pero dala ng bagot ay lumalabas siya sa pugad upang manggulo sa field at magpaka-detective. Marami pa siyang kakaibang ugali kaya hindi isang beses na naturingan siyang wirdo at tinutuksong hindi na magkaka-boyfriend dahil sa uri ng buhay na meron siya. Balewala lang naman sa kanya iyon. Lalo pa at mas natuon ang pansin niya sa kakalutas ng mga bugtong ng pangunahing magnanakaw sa bansa--the crook who called himself Raven who takes action every full moon. Lalong naging ekstraordinaryo ang buhay niya nang mapansin siya ng naturang magnanakaw at hanggang sa magkaroon sila ng kaugnayan sa isa't isa at magkaideya sa tunay nitong pagkatao. Huli na ang lahat nang gustuhin niyang magkaroon ng simpleng buhay. Clarence is already involved in something controversial and full of complications. So this is what it's like to be trapped in a Sherlock-Moriarty story. Magpatuloy po sana kayo sa pagbabasa. Maraming salamat. (GreenCotton)