9 parts Ongoing MatureMadonna Claire A. Madrigal grew up in the shadow of the Villareals-her parents have long been the loyal caretakers of their vast lands and properties. Sa loob ng Luna Verde, tahimik at payapa ang buhay ni Madonna. Naging mundo niya na ang hacienda, ang mga hayop, at ang simpleng pamumuhay na nakasanayan niya.
Ngunit sa kabila ng lahat, ni minsan, hindi pa niya nasilayan ang mga Villareal. Para bang mga alamat lang silang umiikot sa kwento ng mga matatanda. Mga pangalang binabanggit, pero kailanman ay hindi nakikita.
Hanggang sa dumating ang araw na iyon-ang unang sulyap, ang unang engkwentro.
Sa pagbalik ng mga Villareal, mababago ba ang tahimik na mundo ni Madonna? O siya mismo ang magbabago ng mundong ginagalawan nila?
Dito magsisimula ang kwento niya-isang kwento ng pagtatagpo, ng lihim, at ng mga pusong hindi na dapat nagtagpo... pero pinagtagpo.