Nagising si Anthon sa ospital. Hindi niya matandaan ang mga nangyari. Isa lang ang huling naaalala niya. Isang malaking halimaw ang umatake sa kanya at sa kanyang mga kaibigang mangangaso. Dilaw ang mga mata nito at nanlilisik. Sa paggising niya ay bumungad ang kanyang asawang si Paula na alalang alala sa kanya. Napakayumi at mapagmahal ng kanyang asawa pero sa kanyang pag uwi sa kanilang munting villa sa barrio ay hindi niya inaasahang matutuklasan niya ang lihim ng kanyang kabiyak. Lihim na maaaring sumira at maging dahilan para paslangin niya ang babaeng tangi niyang minamahal.All Rights Reserved
1 part