Naranasan mo na bang masama sa iyong sariling panaginip? Naranasan mo na bang umiyak pagkamulat mo ng iyong mga mata pagkatapos mong managinip? Masama man o mabuti pero minsan napapaisip tayo kung mangyayari ba ito sa totoong buhay. Maraming tao ang naghahangad na sana masama sila sa kanilang panaginip para mawala na lahat ng kanilang problema o pasakit na nararanasan nila sa kanilang tunay na buhay pero minsan ang ganitong hangarin ay masama at malungkot kung iisipin katulad nalang ng babaeng ito. Cheska Hynston 18 yrs old isang normal na babae na mapapasok sa crazy yet romantic world. Samahan natin si Cheska sa kaniyang journey na papakiligin at papaiyakin ang ating dreaming hearts.