[CLASS SERIES #1] "Welcome to your class, Miss Cruz." Yun ang unang bati sa akin ng guro naming si Mr. Gomez, na nakangiti at binuksan ang pinto para sa akin. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ng silid- aralan ng Class A, alam ko ng hindi magiging maganda at masaya ang taon ko dito. Lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa akin ng may malalaking ngiti sa mukha at sabay- sabay tumagilid ang ulo nila. Sabay- sabay silang nagsabing, "Sana mag- enjoy ka sa taon mo dito!," at sumarado ang pintuan ng klase at ngumiti pa lalo si Mr. Gomez sa akin. Hindi maganda, hindi masaya at mas lalong hindi normal ang Class A na napasukan ko. -- © @sichennle for the amazing cover ❤