Isang madilim na gabe sa isang eskinita, palabas si Mara upang pumasok sa gabi-gabi niyang trabaho at madalas na umaabot ng umaga kapag marami at napasarap sa upo at kwento sa mga parokyano na kanyang kaharutan sa lamesa ng alak at iba't ibang pulutan. Ito ang madalas niyang gawain sa halos limang taon ng kanyang buhay. Ibinunga na niya ang kanyang tatlong anak na halos hindi makilala kung sinu ang mga ama neto, iba-iba, gabe-gabe at paulit ulit niyang ginagawa, nasasarapan at nagugustuhan niya ang bawat ganung eksena ng kanyang buhay. Halos di na niya iniintindi ang sarili o sasabin ng iba. Pasok sa kanang tenga at labas sa kaliwa ganyan ang lagi nyang eksena sa halos araw araw na chismisan ng kanyang mga kapit bahay tungkol sa kanyang buhay at lalo na sa kanyang trabaho. Tumigas nalang ang kanyang sintido sa mga bagay na kahit ayaw nya ay pilit niyang ginagawa upang lumaban sa buhay. Ayaw man niya ay wala siyang choice kundi ituloy ang nakasanayang hanap buhay. Sinikmura nalang niya ang lahat ng panlalait sa kanya at dina inalintana ang kahihitnan ng kanyang kinabukasan.