PERFECTLY IMPERFECT TRILOGY: A KISS FROM ME TO YOU by BETHANY SY
  • Reads 29,103
  • Votes 398
  • Parts 4
  • Reads 29,103
  • Votes 398
  • Parts 4
Ongoing, First published Feb 13, 2018
Two years ago, nang ma-trap si Belle sa rooftop kasama ang campus heartthrob na si Callum Oliver, nadulas ang kaniyang dila at naitanong sa lalaki kung totoo ang kumakalat na tsismis na bakla ito. Nagulat na lamang si Belle nang lapitan siya ni Callum at walang paalam na hinalikan sa mga labi. Nangaligkig ang kaniyang buong katawan dahil sa paghalik ni Callum.

Sa mismong araw naman ng graduation nila ay pilit na nilakasan ni Belle ang loob para ipagtapat kay Callum ang totoong nararamdaman. Pero nadurog ang kaniyang puso sa pagkabigo nang makita ang binata na kasama ang ex-girlfriend nitong si Pia.
Ngayon, isa nang teacher si Belle at isang sikat na rock star naman sa buong Asia si Callum. At muli, naitakda ang pagkukrus ng kanilang mga landas nang makatanggap si Belle ng tawag mula sa isang misteryosong caller. Kung hindi raw siya makikipagkita kay Callum ay ikakalat ng caller ang ebidensiya tungkol sa gender issue ng binata.

Dapat ay wala na siyang pakialam dahil sinaktan ni Callum noon ang kanyang inosenteng puso. Pero natagpuan na lang ni Belle ang sarili na kumakaripas ng takbo patungo sa function hall ng isang kilalang hotel sa Japan para pigilan ang masamang balak ng misteryosong caller...
All Rights Reserved
Sign up to add PERFECTLY IMPERFECT TRILOGY: A KISS FROM ME TO YOU by BETHANY SY to your library and receive updates
or
#59trilogy
Content Guidelines
You may also like
(Free) Finally Found You (Tagalog) by Serenity_Amore0910
11 parts Complete Mature
"NANDITO ka na naman. Lagi ka na lang bumabalik dito sa dati nating tagpuan. Hindi ka ba napapagod o nagsasawa man lang?" kausap ni Jerome kay Jenny habang nakaupo ang dalaga sa upuang inukit niya noon sa malaking puno ng mangga. Nasa ituktok iyon ng burol, hindi kalayuan sa unibersidad na pinapasukan nila. Madalas silang magpunta roon ng nobya tuwing break time upang mag-relax. "Bakit hindi mo maintindihan na tapos na tayo?" muling wika ng binata upang maipabatid dito ang nadarama. Gayunma'y hindi siya sinagot ni Jenny at sa halip ay tumulo lamang ang luha nito sa mata. Nakita niya pang malungkot itong ngumiti at tumingala sa kalangitan. "Nandito na naman ako mahal ko. Nahihirapan pa ring tanggapin ang pagkawala mo," bulong ng dalaga habang hindi nakikita si Jerome sa tabi nito. Nahihirapan ang loob na idinantay ni Jerome ang kamay sa balikat ng minamahal. Subalit tumagos lamang iyon sa katawan ng dalaga. Naikuyom niya ang kamao sa sakit na nadama. "Bakit hindi kita makausap, mahagkan o kahit mahawakan man lang? Paano ako matatahimik kung ika'y nahihirapan?" malungkot niyang sambit habang tahimik na sinusubaybayan ang babaeng minamahal. Lumipas pa ang mga araw na hindi pa rin iniiwan ni Jerome ang dalaga. Hindi matahimik ang binata habang nakikitang hindi masaya ang minamahal. "Jenny!" Sabay silang napalingon ng dalaga sa pinanggalingan ng tinig. Nasa loob sila ng mini garden ng paaralan ng mga sandaling iyon. "Oh, Joel?" tugon ng dalaga nang mapagsino ang dumating. Samantalang siya ay nanlaki ang mga mata nang matitigan ang kakilala ng nobya. Hindi siya maaaring magkamali, hinding-hindi niya malilimutan ang taong nasa harapan dahil ito mismo ang pumatay sa kaniya!
You may also like
Slide 1 of 10
Cupid's Trick cover
Puppy Love, First Love At True Love cover
UNEXPECTEDLY (COMPLETED) cover
The Love Story of Confused Elly by fishy (EDNHEL C. AQUINO) cover
Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor  cover
CURSE OF SCENT (BOOK 2) cover
MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 ) cover
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess cover
(Free) Finally Found You (Tagalog) cover
Chances (Published under PHR) cover

Cupid's Trick

10 parts Complete

College buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dahil hindi ito naniniwala sa pag-ibig. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang sabihin nitong handa na itong sumubok sa larangan ng pag-ibig. At gusto pa nitong tulungan niya itong ligawan ang babaeng gusto nito! Hay, kung magbiro nga naman ang tadhana! Para hindi na lang siya masaktan, pinili niyang umiwas na lang dito. Doon naputol ang ugnayan nila. Ngayon, pagkalipas ng maraming taon ay bigla na lang itong sumulpot sa gabi ng birthday niya, telling her na ito ang secret admirer na nagpapadala sa kanya ng paborito niyang blue roses na may kasamang sweet quotes. She realized he still had the same effect on her. Ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Sa pagkakataong iyon, matutupad na kaya ang matagal na niyang pangarap na mahalin din siya nito?