One of the most hardest part in handling friendship is that, when you fell inlove with your bestfriend kasi may kakambal itong sakit, takot at pangamba. Masasaktan ka, lalo na't kapag nakikita mo siyang may mahal na iba samantalang ikaw ay nasa tabi lang niya para sumuporta. Natatakot ka na malaman niya ang tungkol sa nararamdaman mo dahil baka layuan ka niya at 'yan ang magiging dahilan para mawala ang nag-iisang bagay na pinanghahawakan mo at 'yon ay ang pagiging "MAGKAIBIGAN" niyo. Merong pangamba sa iyong puso't isipan. Paano kung hindi ka niya mahal? Paano kung hindi magwowork ang lahat? Masasaktan ka lang, oo tama. Ikaw lang ang masasaktan kasi ikaw lang ang nagmahal. Kaya minsan mas pipiliin mo nalang na itago ang lahat para sa ikabubuti. Pero, paano nga ba matuturuan ang puso? Nagmamahal lang naman siya pero bakit kailangan pang masaktan? 02/16/18