Si Nathalie ay isang simpleng babae, ordinaryo, walang arte sa katawan, at masayahin. Nakilala nya si Johann at minahal ito, kahit alam niyang malayong mahalin sya nito. Pero habang tumatagal na sila'y nag uusap, ito'y nagpapakita ng motibo na gusto sya nito. Pero isang araw nabalitaan nyang may nililigawan na ito. Ito pala ang dahilan kung bakit 'di na sya kinakausap nito. At ito'y paulit ulit na nangyayari. Kapag nag break na si Johann at ng girlfriend nya ay tsaka ito nag paparamdam kay Nathalie, at kapag may bago nanaman sya, ay iniiwasan nya si Nathalie. Hindi napapansin ni Nathalie na may nasasaktan na sya sa pagiging tanga nya, yun ay si Lucas. Kababata nya ito, at matagal na din sya nitong iniibig. Torpe si Lucas. Kaya di nya masabi sabi kay Nathalie ang nararamdaman nya. Pero dahil nasasaktan syang makitang nasasaktan si Nathalie dahil kay Johann, eh naglakas sya ng loob para umamin kay Nathalie. Anong gagawin ni Nathalie? Aasa pa ba? O lilingon sa mas deserving?All Rights Reserved
1 part