Nakakamatay na pag-ibig. Delikado pero masaya. Masakit pero masarap. Maraming problema pero kakayanin. Ngunit... May nakamamatay na sakit, hadlang sa kanilang pagmamahalan, hadlang sa kanilang kaligayahan, kaligayahan na handang ipagpatuloy, ipagpatuloy hanggang sa huling hiningang dumadaloy. Kunting panahon, para sa pagmamahalang unti-unting umaahon, mga pangakong unti-unting natutupad, kahit saan man mapadpad, basta ang kasama ay ikaw, hanggang sa pag lubog ng araw.