Hindi naman ito tungkol sa Long Distance Relationship. Sa iisang unibersidad lamang sila nag-aaral. Oo, may distance. Pero sa sobrang Looooooong, eh di walang Relationship. Paano ba naman; mayaman, sikat dahil sa pagiging pasaway, kaibigan pa ng singer, gifted sa instruments, at ex-bestfriend niyang sikat sa sports. Ang isa naman, eto, nag-aaral ng mabuti, hindi head turner pero maganda, hindi din sikat, pero kilala niya si John Andy Bertulano dahil nga sikat ito. Paano sila magkaka Relationship kung ang Loooooooong ng Distance sa pagitan nila?