Highest Rank #12 in Historical Fiction
Isang makabagong Maria Clara sa makabagong panahon; siya si Andrea Saavedra ang tinaguriang BAD BABE ng 21st century, isang sikat na aktres at nag-iisang heredera ng mga Saavedra, kilala bilang saksakan ng ganda ngunit saksakan naman ng sama.
Paano kung sa isang iglap ay mapunta siya sa isang panahon at makilala niya ang BAD BAE ng 17th century, isang kinatatakutang opisyal ng bansa ang Gobernador Heneral Carlos Alfonzo Buenaventura y' Ruiz na nagtataglay ng may pinakagwapong mukha, isang mukhang kinahuhumalingan ng mga kababaihan ngunit kinatatakutan ng karamihan, ang binansagang; berdugo ng bayan.
"Ang buwan at ang punong ito ang siyang piping saksi sa tapat kong pagmamahal sayo. Isang daan-- tatlong daan-- kahit isang libong taon pa ang magdaan-- walang magbabago sa aking nararamdaman. Wag kang tumangis sa ating pag-iibigang naglaho, manabik ka sa ating muling pagtatagpo, sapagkat ang ating pag-iibigan ay muling iuukit ng kasaysayan."
A 17th century love story that was written in the 21st century.
Our Tale in Time.
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos