SIP: Ariah Yvette Mendez, ang labing-siyam na taong gulang na dalagang gustong-gusto nang magka-boyfriend dahil sa halos dalawang dekada niyang nabubuhay sa mundo ay ni minsan, hindi niya pa nararanasang magka-boyfriend. Lahat na ng mga kaibigan niya ay nagkaroon na ng boyfriends samantalang siya? 'Ayon, nganga! Pero magugulantang nalang siya, dahil isang araw, makikita niyang naka-tagged siya sa isang status ng hindi niya kilalang lalaki. 'Ian Brent Torres is now In a Relationship With Ariah Yvette Mendez' Like what the hell?! Blessing in disguise ba ang nangyaring 'yon o magiging hudyat 'yon ng pagbabago ng kanyang tahimik at simpleng buhay?