Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi mo pa nakikita o nakakasama? Hindi lang yan. Maging ang kaniyang pangalan ay hindi mo alam. Sa madaling salita, nahulog ka na ba sa taong hindi mo kilala? Nahulog ka na ba sa taong sa panaginip mo lang nakakausap at nakakasama? Tawagin nyo na akong baliw o adik, pero oo. Nahulog ako sa taong gabi-gabi dinadalaw at pinapasaya ako sa aking panaginip. Pero..... Sino nga ba sya? Makikilala ko pa ba sya? May patutunguhan ba ang nadadaraman kong ito para sa kanya? Matatagpuan ko ba, ang aking nag-iisang panaginip? Samahan nyo akong hanapin ang Man of my dreams.