Maraming bakit, maraming tanong na hindi masasagot . Maraming pagmamahal na hindi nasusuklian. Maraming pangakong napapako. Maraming salita ang binibitawan. Maraming dahilan. Maraming sakit ang nararanasan. Maraming salitang wala namang kahulugan. Maraming umaasa. Maraming nag papaasa. Maraming nagmamahal . Maraming nag aantay. Maraming pagsubok. Maraming hadlang. Maraming tanong na may sagot ngunit hindi alam kung pano tatanggapin. Bakit kailangan mong saktan kung mahal mo naman, bakit ang dami mong dahilang wala namang katuturan, ang dami mong kasinungalingan. Bakit kahit alam mo nanng nasasaktan ka nasa ginagawa niya patuloy ka paring umaasa, na sana isang araw hindi ka na masaktan, na hindi ka na niya saktan, na hindi ka na niya paasahin pa. Sa dami ng problema at tanong dito sa mundo pag kaka abalahan mo pa bang sagutin yan. Maraming dulot ang mga tanong na yan pero dahil kasama sa buhay ang mga bagay na yan kailangang alam mo na ang sagot . Masakit mang isiping kahit walang paki alam sayo yung iba, yung walang dumadamay sayo , iisipin mo pa ring kaya mo, dahil wala ka namang choice kundi tanggapin ang katotohanang wala kang ibang kakampi o maaasahan kundi ang sarili mo lang..