Simple lang naman ang buhay eh. Parang bangka 'yan na kailangan mong sakyan at sundan ang agos ng buhay. Parang mahabang pila 'yan na kailangan mong pagtiyagaan para makapag-move-on. Parang gulong 'yan na hindi mo alam kung saan patungo. Pero bakit siya, mas piniling gawing padlock ang buhay niya? Bakit mas ginusto niyang ikulong ang sarili niya sa nakaraan? Gusto kong maging susi. Gusto kong kahit gaano pa niya ikulong ang sarili niya, kaya kong buksan ang nakasarado niyang puso't isip. Gusto kong ipakita sa kanya, na sa bawat padlock na nilikha, may kasama itong susi. Lock-a place where something cannot be removed or someone cannot escape. Key-device used to open a lock.