Pano mo nga ba masasabing mahal mo na ang isang tao? Pag nasa stage ka na ng tinatawag na "Love"? Is it the signs? Yung lumiliwanag ang buong paligid pag nakikita mo sya o yung tumitibok ng subra ang puso mo pag malapit sya o baka naman yung nagliliparang paru-paro sa tiyan mo pag nahahawakan mo sya o di kaya'y siguro yung tumutunog na kampana at nagsisi-awitang anghel pag nakakasalubong mo sya, yun ba yun? Isn't it ironic? Mega Ironic? Pano mo nalalamang nangyayari na yan sayo? Totoo nga ba talaga o talagang nasasabi mo lang yan dahil yan ang sabi sa mga pelikula at nababasa sa mga libro? Ang puso na kasing laki lang ng kamao na subrang tibay na kahit na paulit ulit na sinasaksak, binabaril, pinipinu-pino ay patuloy paring lumalaban kahit na namamanhid na, kahit na humihina na ang tibok, kahit na unti unting nagiging marupok pero kinakaya pa rin, pero pano nga ba pag tumigil na? Tumigil na sa kakatibok? Tumigil na sa kakabanggit ng pangalan mong kaysarap banggitin? Tumigil na sa kakaliwanag at tanging dilim na lang ang natira? Tumigil na sa kakaikot ang mga paru-paro sapagkat pagod na't nahihilo? Tumigil na sa kakatunog ang kampana't napapalitan ng mahina at nakakapanindig balahibong tunog ng kampana at mahinang tugtugin na mistulang may patay na pararating, patay na pinagdadalamhatian, patay na't wala nang pakealam, patay na't iniiyakan, patay nang PUSO na dati kang sinisigaw, patay nang PUSO na dati kang ipinaglalaban. Patay na, patay na ngang talaga.