Hindi na ako naka-sigaw. Basta ko na lang naramdaman na niyakap na pala ng malamig na tubig ang buong hubog ng aking katawan. Napakabilis. Napakabilis ng mga pangyayaring naganap. Parang kanina lang, sabay pa kaming naglalakad sa gilid ng kalsada habang nababalot kami ng mapayapang katahimikan tapos ngayon, andito na ako. Sa ilalim ng ilog. Dahan-dahang lumulubog. Dahan-dahang tinatakasan ng kulay. Salamat. Salamat sa mga huling sandaling ikaw ay aking nakasama. Kahit papaano ay nagalak ako dahil sa akin ika'y nalulong kahit sa sandaling oras na tayo ay magkasama. Salamat at... paalam. -- Valentine's Day Contest 2018 2nd placer ♥
1 part