Perfect looks, perfect family, perfect personality........ in short, perfect life. I used to live that way. Anything goes just as I want. Lahat-lahat na yata na hinangad ng isang tao ay nasasakin na. Pero papano kung yung perpektong pamumuhay ko ay gumulo? Nag-umpisa lahat ng kaguluhang yan sa buhay ko ng dumating si Jasper..... Sinundan ng pesteng society..... At ng mga lintek pero gwapong mga asungot sa buhay ko Magulo? Oo, pero masaya. Hinayaan ko silang guluhin ang buhay ko dahil sa isang tangang dahilan, masarap mag-mahal. Ang kaso, hindi sila tao, sila ay mga mangkukulam, baliw, asong ulol--- lobo, bampira, at demonyo. At lahat sila, mga patay. Pero hindi sila mga halimaw, kahit kelan, hindi kasalanan ng isang ahas na nakakalason ito, hindi kasalanan ng buwaya kung nakakatakot ito, at mas lalong hindi kasalanan ng mga kaibigan ko na naging ganon sila. Ang problema, ilan sa kanila ay tunay na naging halimaw. Kumalat ang dugo at krimen. Kaya nabuo ang propesiya. Para malutas ang problema, para mapigilan ang krimen, para umayos ang paligid, para magkaroon ng kapayapaan. Kung saan ang pinaka malakas sa kanila ay mapapangasawa ko. ;)
4 parts