Parehong di nakakilos ang dalawa Tulala parehas. Mga labi magkadikit pa din Walang isa sa kanila balak magsalita o gumawa man ng ingay para ikasira ng moment na ito. Kabog! Kabog ! Malakas , nakakabinging kabog ng kanilang mga puso. Binuka ni Ayessa ang mga mata Ganun din si Eddy, namumungay ang mga mata. Nagpapakiramdaman.. Naramdaman na lang nilang dalawa nag umpisa ng ibuka ni Eddy ang mga labi.. Mariin.. Banayad... Punong puno ng emosyon.. Ganun din si Ayessa namalayan na lamang ang sariling tinutugon ang mga halik ng kababata. Napapasinghap sa kakaibang sensasyon na nararamdaman. Na tinanggap naman ng buong puso ng dalaga.... Nadadala na din si Ayessa, di ininda ang bigat ng katawan ni Eddy na nakadagan sa kanya......Todos los derechos reservados